TV

Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith, tampok sa unang kuwento ng 'I Can See You'

By Aaron Brennt Eusebio

Proud si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa kuwento ng unang istorya ng drama anthology series na I Can See You na pinamagatang 'Love on the Balcony.'

Ayon kay Alden, magbibigay pag-asa at inspirasyon ang kanilang kuwento, lalo na ngayong may hinaharap tayong pandemya.

Aniya, “Moreover being a story of the current time, siguro 'yung inspiration niya, inspirational kasi 'yung dulong part ng kwento namin.”

“It's really about the pandemic, it's really a story about hope, forgiveness, self-discovery, love, andyan 'yan.

“And 'yung paglaban natin sa pang-araw-araw.”

Honored naman si Jasmine Curtis-Smith na bigyang buhay ang isang nurse sa palabas, na kinikilala bilang frontliner ngayong may pandemya.

Saad niya, “To be able to portray that role, lalo na sa panahon ngayon, it's so minimal, it's so minute compared to what they really are doing sa mundo, sa mga taong nangangailangan ng tulong ngayon sa pandemyang ito.”

“So, maraming salamat because they are able to write something so beautifully and present it in a different language, the language of love.”

Makakasama nina Alden at Jasmine sa I Can See You: Love on the Balcony sina Pancho Magno at Denise Barbacena.

Para kay Pancho, kakaibang role ang kanyang ginampanan bilang best friend ng karakter ni Alden.

Paglalarawan niya sa kanyang karakter na si Val, “Optimistic, romantic, na parang lahat tayo may soulmate na mabilis ma-in love.”

“Siguro nakaka-relate [ako] kasi pag na-in love ka, nagugustuhan mo na rin 'yung mga gusto niya.”

Malapit naman sa puso ni Denise ang kanyang karakter bilang isang nurse, lalo na't graduate siya ng Medical Technology.

Pag-amin niya, “It's very much close sa aking puso dahil matagal akong nag-aral sa course na medical technology and I have friends na frontliners na mga nurses, and even doctors.”

“So very personal siya sa akin.”


Mapapanood na ang I Can See You: Love on the Balcony simula Lunes, September 28, sa GMA Telebabad pagkatapos ng Encantadia.