TV

Virtual romance is real kina Iñigo at Lea sa 'Love On The Balcony'

By Dianara Alegre

Nagsimula nang umere ang bagong four-part weekly series ng GMA Network, ang I Can See You kagabi, September 28.

Unang handog ng network ang “Love On The Balcony,” na pinagbibidahan nina Alden Richards, bilang Iñigo Mapa at Jasmine Curtis-Smith bilang Lea Carbonel.

Sa ikalawang episode ng “Love On The Balcony” ay tuluyan nang magku-krus ang landas nina Iñigo at Lea. Mukhang tatangkain na rin ng una na mas lalo pang kilalanin si Lea.

Matuloy kaya ang kanilang virtual romance? Abangan mamayang gabi, September 29, ang “Love On The Balcony, sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Encantadia.

Samantala, tampok din sa serye sina Pancho Magno, Denise Barbacena at Shyr Valdez.

Mapapanood ang I Can See You: Love on The Balcony mula September 28 hanggang October 2 sa GMA Telebabad.