TV

Romance nina Iñigo at Lea sa 'Love On The Balcony,' dinala na offline!

By Dianara Alegre

Nagsimula nang umere ang bagong four-part weekly series ng GMA Network, ang I Can See You nitong Lunes, September 28.

Unang handog ng network ang 'Love On The Balcony,' na pinagbibidahan nina Alden Richards bilang Iñigo Mapa, at Jasmine Curtis-Smith bilang Lea Carbonel.

Sa ikatlong episode nito, hindi na lang virtually nagliligawan sina Iñigo at Lea dahil magde-date na sila for real!

Para maging mas personal at intimate ang date nila, tatangkain ni Lea na ipagluto si Iñigo ng paborito nitong adobo.

Pero ang kapansin-pansin, 'tila magkalasa ang adobo specialty ni Lea at ng nanay niya.

Alden Richards as Iñigo Mapa at Jasmine Curtis-Smith as Lea Carbonel

Mag-level up na kaya ang kanilang relasyon? Abangan mamayang gabi, September 30, ang “Love On The Balcony,” sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Encantadia.

Tampok din sa serye sina Pancho Magno, Denise Barbacena at Shyr Valdez.

Mapapanood ang I Can See You: Love on The Balcony mula September 28 hanggang October 2 sa GMA Telebabad.