TV

Pilot episode ng 'On My Way to You,' trending!

By Dianara Alegre

Nag-trending sa Twitter ang #ICSYOnMyWayToYou kasabay ng airing ng pilot episode ng mini-series na “On My Way to You.”

Ito ang unang show mula sa apat na mini-series sa second season ng I Can See You, tampok sina Kapuso stars Shaira Diaz at Ruru Madrid.

Ang serye ay tungkol sa pagtatagpo ng isang viral runaway bride at ng isang lalaking tinakbuhan naman ng kanyang bride-to-be.

Source: GMA Drama Facebook page

Bago pa man ang pag-ere ng serye, marami na ang nag-abang dito kaya naman talagang sinubaybayan ng fans ang pilot episode nito noong March 22.

Narito ang ilan sa kanilang tweets.

Hindi rin naman nagpatalo sa pag-tweet ang lead stars nito na lalong nagpa-excite sa fans.

Mula sa direksyon ni award-winning director Mark Reyes, kabilang din sa cast ng mini-series sina Arra San Agustin, Gil Cuerva, Malou de Guzman, at Richard Yap.

Subaybayan ang nakakakilig na tambalan nina Shaira at Ruru sa “On My Way to You” gabi-gabi, 8:50 p.m. sa GMA!

Silipin ang mga kaganapan sa lock-in taping ng mini-series sa gallery na ito:

Related content:

Direk Mark Reyes says ShaiRu's kissing scene is one of the best scenes he's directed his entire career

Ruru Madrid, umaming kinilig sa 'kawa scene' nila ni Shaira Diaz sa 'On My Way to You'

Sylvia Sanchez and EA Guzman laud Shaira Diaz for 'I Can See You Season 2' stint