TV

'I Left My Heart in Sorsogon' taping, nagsimula na!

By Aaron Brennt Eusebio

Nagsimula na ang lock-in taping para sa bagong teleserye ng GMA na I Left My Heart in Sorsogon, na pagbibidahan nina Heart Evangelista, Richard Yap, at Paolo Contis.

Nasa Sorsogon na ngayon sina Heart at Paolo, at ang unang destinasyon nila ay ang library ng Sorsogon State University.

Bukod kina Heart at Paolo, nasa Sorsogon na rin sina Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, Zonia Mejia, at Elias Point.

Sa mga larawan ng GMA Drama, mukhang enjoy na enjoy sina Kyline at Mavy sa kanilang location sa beach.

Bago sumabak sa taping, nagkaroon muna ng hotel quarantine ang buong cast at crew ng programa habang iniintay ang resulta ng kanilang swab test.

Abangan sina Heart, Richard, Paolo, at ang buong cast ng I Left My Heart in Sorsogon, malapit na sa GMA Telebabad.

Samantala, silipin sa gallery na ito ang pamamasyal ng cast sa Sorsogon: