TV

'Ika-6 Na Utos,' nagiging bonding na ng mga pamilya tuwing hapon

By MICHELLE CALIGAN
Sa ginanap na Facebook Q&A ng Ika-6 Na Utos stars na sina Sunshine Dizon at Ryza Cenon nitong Martes, March 7, ibinahagi nila ang mga mensaheng natatanggap nila sa social media. Bukod sa mga papuri sa kanilang performances, madalas din daw sabihin ng netizens na kahit saan ay inaabangan ang kanilang teleserye.
 

WATCH: What you've missed from the March 7 episode of 'Ika-6 Na Utos'

"I've been hearing stories din talaga na sinasabi nila na pinapanood tayo sa loob ng bus. I also have friends from Hong Kong who messaged me and said na parang sa Philippine Embassy, pinapanood tayo. It has been really nice na all over the world actually," pahayag ni Sunshine.

Dagdag naman ni Ryza, "Mayroon din akong mga nakausap, mga direktor, na nanonood din sila."

Bukod dito, may comments din daw na natanggap si Shine na nagsasabing nagiging bonding time nila ang panonood ng Ika-6 Na Utos.

"I read a couple of comments sa personal message ko sa IG. May nagko-comment na parang thank you daw sa Ika-6 Na Utos kasi nagiging bonding moments ng families nila. A certain guy messaged me na ang mommy yata niya nasa US. Ang bonding nila is papanoorin 'yung replay sa YouTube and then they talk about the show. May nag-message din sa akin na for the first time, nakukumpleto daw ang family nila after lunch kasi 'yun talaga ang bonding session nila na surprisingly never daw nangyari 'yan na buong bahay talaga umuupo to watch."

Balikan ang kanilang Facebook Q&A dito:

MORE ON 'IKA-6 NA UTOS':

Gabby Concepcion, may paliwanag kung bakit tinututukan ang 'Ika-6 Na Utos'

Video ng catfight nina Emma at Georgia sa 'Ika-6 Na Utos,' umabot na sa higit 1M views