TV

LOOK: Toy gun ni Georgia sa 'Ika-6 Na Utos,' patok online!

By MICHELLE CALIGAN

Bukod sa pagiging isa sa most watched scenes sa Facebook, kumakalat din ngayon ang photo ni Ryza Cenon bilang Georgia sa Ika-6 Na Utos na may hawak na Nerf gun.

 

Patok ngayon ang memes gamit ang naturang photo. Narito ang ilan sa kanila:

Sa pamamagitan ng text message sa GMANetwork.com, ibinahagi ni Ryza na natutuwa siya sa pagiging creative ng netizens.

"Nakakatuwa na maraming nanonood at nakagawa pa sila ng meme about it. Hahahaha! Good job sila dahil nakakatawa 'yung mga ginawa nila," saad niya.

Balikan ang ilan sa mga eksena sa nakaraang episode ng Ika-6 Na Utos dito.