TV

WATCH: Odette Khan is the new darling of GMA Afternoon Prime

By AEDRIANNE ACAR

Ibang level na ang kasikatan ng veteran actress na si Odette Khan na mas kilala sa character niyang Yaya Loleng sa highest daytime drama soap na Ika-6 Na Utos.

Sa katunayan, trending si Yaya Loleng last Monday, June 19 lalo na ng malaman nito ang katotohanan na hindi anak ni Emma si Sydney.

 

 

 

 


Sa panayam ni Cata Tibayan kay Ms. Odette, taos-puso ang pasasalamat ng magaling na aktres sa lahat ng mga manonood na patuloy na tumatangkilik sa kanilang afternoon soap.

Aniya, “We have our hearts sa role na gagampanan namin, sa paghihirap, sa mga taong nanonood. Salamat, taos-puso kaming nagpapasalamat!”

Wala din daw sa kaniya kung gaano kaliit ang role sa isang show, basta ang importante ay maibigay ang best niya sa bawat eksena.

Ayon kay Odette, “Pag sa puso mo alam mo kahit gaano kahirap gagawin namin.” 

Panghuli, nagbigay ng babala si Yaya Loleng sa lahat ng mga kabit.

“Tandaan niyo mga kabit bawal kayo sa mga pamilyadong tao!”

Video from GMA News