TV

WATCH: 'Ika-6 na Utos' stars, may pabaon sa pagtatapos ng highest-rating afternoon drama

By Bea Rodriguez

Ika nila, “All good things must come to an end.”

Matapos ang mahigit isang taon ang highest-rating afternoon drama sa bansa na Ika-6 na Utos ay magwawakas na.

Kinagawian na ng mga manonood ang pag-aabang tuwing hapon sa mga maiinit na eksena nina Emma at Georgia. Pati sa online world ay patok rin ang bangayan ng bida at ng kontrabida.

Sa pagtatapos ng drama, may pabaon ang mga bida ng serye na sina Sunshine Dizon, Gabby Concepcion, Ryza Cenon at Angelika Dela Cruz sa lahat ng mga manonood.

Ang natutunan ni Sunshine? “Maraming facets ng pagiging isang babae na pinagsama-sama. Siguro, tinuruan tayo ni Emma na ipaglaban ang kung ano ang para sa atin.”

Mukhang nasanay naman si Gabby sa pag-aagawan nina Emma at Georgia sa kanyang karakter na si Rome, “Lahat ng away ni Emma at saka ni Georgia, merong pinakamaganda para sa akin.”

Big break naman para kay Ryza ang drama series, “I think this is my break. Break ko ‘to sa [loob ng] 12 years sa showbiz. Kahit saan ka magpunta, kilala si Georgia eh.”

Ayon kay Angelika, maraming pasabog ang mangyayari sa pagwawakas ng kuwento. Aniya, “Makikitaan niyo ng malaking pagbabago ‘yung character ni Geneva. May twist ‘yung character ko dito sa pagtatapos eh.”

Mga Kapuso, tutukan ang huling mga linggo ng Ika-6 na Utos, mula Lunes hanggang Sabado ng 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.