TV

EXCLUSIVE: Rita Daniela, iniba ang karakter ng role sa 'Impostora'

By Marah Ruiz

 

 

Napapanood si Kapuso singer and actress Rita Daniela sa GMA Afternoon Prime series na Impostora.

Gumaganap siya rito bilang si Maureen, ang airhead na kaibigan ni Rosette na ginaganapan naman ni Kris Bernal.

"'Yung character ko, napansin ko, isa siya sa ice breaker nung show. Kasi 'di ba palagi sila nag-aaway noong bida eh. Minsan siyempre 'pag too much of that, hindi maganda. Sa side ni Rosette, ako 'yung ice breaker. Sa side ni Nimfa, sina Sinon [Loresca] 'yung ice breaker," kuwento niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com. 

Kinagigiliwan ng mga manonood ang kanyang karakter dahil imbis na tapatan nito ang kasamaan ni Rosette, si Maureen pa minsan ang nakakasira ng mga plano ng kaibigan dahil sa kapuluran ng utak nito. 

"Actually, noong una, hindi 'yan 'yung character ni Maureen. Hindi siya ganun. The production and I decided to change it to give some flavor, para mas catchy din 'yung character niya," pagpapatuloy ni Rita.

Masaya naman daw siya at tinatangkilik ng mga manonood ang kanyang karakter.

"Sobrang masaya kami kasi 'yung feedback ng mga tao, gusto nila 'yung character ni Maureen. Gusto nila 'yung chemistry nina Maureen and Rosette. Bihira 'yun kasi usually, [ang] sobrang masamang kontrabida [ang] kasama niya kontrabida din," aniya.

Samantala, tampok din si Rita sa musical adaptation ng 'Maynila sa mga Kuko ng Liwanag.' 

Bukod dito, may inihanda rin siyang special performance para sa Spotlight, ang pinakabagong exclusive online feature ng GMA Records na dapat abangan sa mga susunod na buwan.