GMA Logo Prince Adrian Dagdag, In My Dreams
What's on TV

Social media star na si Prince Adrian Dagdag, mapapanood sa 'In My Dreams'

By Jimboy Napoles
Published May 1, 2023 3:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile votes in presidential race expected to lurch country to the right
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Prince Adrian Dagdag, In My Dreams


Walang halong “charot,” content creator na si Prince Adrian Dagdag o si Boy Charot, mapapanood sa 'In My Dreams.'

Isa ang social media star na si Prince Adrian Dagdag o kilala rin bilang si Boy Charot sa mga online content creator na mapapanood sa inaabangang digital series ng GMA Public Affairs na In My Dreams.

Sa isang vlog, ipinasilip ni Prince ang naging paghahanda niya para sa taping ng nasabing serye na isinagawa sa isang isla sa Bolinao, Pangasinan.

Mula sa pagsalang sa antigen test, paggising nang maaga para umabot sa call time, pagbiyahe nang limang oras patungo sa shooting location, at behind-the-scenes ng taping, lahat ng ito ay kinunan ni Prince para sa kaniyang vlog.

“Iniisip ko nga para rin akong bumalik sa pag-aaral kasi mayroon din kaming subject na ganito,” biro ni Prince tungkol sa taping.

Ayon pa sa binatang content creator, na-appreciate niya rin ang production crew ng nasabing serye.

Aniya, “Gusto ko rin pa lang i-highlight 'yung [mga tao] sa likod ng camera, sobrang hirap din pala ng trabaho nila. Isa pala sila sa dahilan kung bakit tayo nakakapanood ng magandang movie.”

Ang In My Dreams ay pinagbibidahan ng tinaguriang this generation's Most Promising Loveteam na sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

Makakasama rito nina Sofia at Allen, ang aktres an si Elijah Aleko at kanilang Luv Is: Caught in His Arms co-stars na sina Cheska Fausto at Tanya Ramos.

Kaabang-abang din ang mga karakter ng Kapuso stars na sina Sanya Lopez at Juancho Trivino.

Bukod naman kay Prince, abangan din ang iba pang content creators na sina Petra Mahalimuyak, Christian Antolin, Alexis Vines, at Berniecular sa serye.


SILIPIN ANG LAST DAY OF TAPING NG IN MY DREAMS SA GALLERY NA ITO: