
Sabi nga nila, home is where the heart is. Pero si Pastor Lonyr Serrano, dala-dala ang bahay kahit saan man siya magpunta. Halos apat na taon na siyang naninirahan sa isang van sa Palawan.
Kuwento ni Pastor Lonyr sa In Real Life, "Naisipan naming i-install ito dahil sa work, mapapadali kasi 'yung trabaho. Bilang isang pastor, sanay daw siyang mag-ikot sa mga bayan gamit ang van."
Dahil sa pandemya, nawalan ng trabaho ang kanyang asawa kaya sumama na ito sa kanyang pag-iikot gamit ang kanilang van.
"Dati tuwing weekend lang siya sumasama sa akin pero noong mahinto na 'yung travel agency so sumama na siya sa akin full-time.
Ang kanilang camper van na tahanan, hindi nalalayo sa isang totoong bahay. May sariling kainan, kusina at tulugan ang kanilang bahay.
In Real Life: Camper van na tahanan
Pinagplanuhan namin ng mag-asawa kung paano ipagsisiksikan 'yung lutuan, tulugan, pati portable toilet, shower, lagayan ng damit. Dahil madalas silang bumisita ng mga beach sa Palawan, instant bakasyon daw ang kanilang pagtira sa van.
In Real Life: Camper van na tahanan
Tunghayan ang kanilang storya sa In Real Life with Gabbi Garcia
Watch: