TV

WATCH: Kyline Alcantara, may project na napunta kay Therese Malvar?

By Bianca Geli

Aminado ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara na excited na siyang makatrabaho ang award-winning teen actress na si Therese Malvar at matagal na niyang hinihintay na magkaron sila ng proyekto.

Aniya, “Actually during Kambal, Karibal, nung patapos na kami, ini-imagine ko na kasama ko siya sa isang show and I'm so happy na makakasama ko nga siya.”

Dagdag ni Kyline, “Nung nalaman kong tuloy na tuloy na, siyempre sobrang saya ko and sobrang na-excite ako for a new show. Ang galing umarte ni Therese.”

Kuwento rin ni Kyline, konektado raw sila ni Therese dahil sa film na Ang Huling Cha-Cha ni Anita na muntik nang mapunta kay Kyline.

“One little fact, yung role niya dati sa Ang Huling Cha-Cha ni Anita was dapat for me. But I chose Annaliza."

“Ngayon magka-kawork na kami together. This November 5 mag-uumpisa na ang taping so I'm excited.

“Sabi nga ni Tito Lhar Santiago para kaming Vilma Santos at Nora Aunor back in the day. This is heavy drama, magkapatid kami rito.

Sa report ni Lhar Santiago sa Balitanghali, nabanggit na makakasama nina Kyline at Therese sa proyekto sina Sunshine Dizon, Angelika Dela Cruz, Marvin Agustin, Angelu de Leon at Gabby Eigenmann.

WATCH: Kyline Alcantara, Therese Malvar, feeling blessed sa pagbibidahang 'Inagaw Na Bituin'