TV

WATCH: Patricia Tumulak, Yana Asistio, nag-promote ng 'Inagaw na Bituin' sa Kapuso ArtisTambayan

By Cherry Sun

Nakasama ng fans sina Patricia Tumulak and Yana Asistio sa Kapuso ArtisTambayan noong December 13 kung saan nag-promote sila para sa nalalapit na kantaserye na Inagaw na Bituin.

Patricia Tumulak, Yana Asistio,

Kabilang sina Patricia at Yana sa star-studded cast ng Inagaw na Bituin. Ito ay pagbibidahan nina Kyline Alcantara, Therese Malvar, Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz, Marvin Agustin, Angelu de Leon at Gabby Eigenmann.

“Nasa side siya ni Ms. Sunshine, ako naman ni Ms. Angelika. So abangan,” sambit ni Patricia.

“Maganda, maganda 'yung mga role namin dito,” dagdag ni Yana.

Maliban dito, sumabak din ang dalawang Kapuso stars sa ilang challenges at nakipagkulitan sa mga nagpadala ng mensahe at tanong.

Panoorin: