TV

Kyline Alcantara wants to keep relationship with Manolo Pedrosa on professional level

By Nherz Almo

Malaki ang pasasalamat ni Kyline na nagkasama na sila ni Manalo Pedrosa sa weekly fantasy series na Daig Kayo Ng Lola Ko bago pa sila magsimula sa Inagaw Na Bituin.

Kyline Alcantara and Manolo Pedrosa

Dahil daw rito, ayon sa 16-year-old actress, naging madali agad ang pakikipagtrabaho nila sa isa't isa sa upcoming afternoon drama series.

“Katulad ng sinabi ni Manolo kanina, nakapagtrabaho na po kami sa Daig, so we're really kind of confident and comfortable.

“Kasi nga rin po, Manolo is really positive and positive din po ako. Obviously, si Manolo positive kasi kahit hindi po siya nakatawa, naka-[smile] pa rin ang mata niya,” sabi ni Kyline sa GMANetwork.com at iba pang entertainment reporter sa ginanap na media conference ng Inagaw Na Bituin kamakailan.

Magiging magkatambal sina Kyline at Manolo sa naturang afternoon series.

Kaya naman hindi siya naiwasang biruin kung may dating sa kaniya ang 20-year-old Kapuso actor.

“He's cute. Cute siya and cute din po ako,” pabirong sagot ni Kyline.

Sa ngayon, ayaw daw muna bigyan ng kulay ang professional relationship nila ni Manolo.

“For now po, wala pa naman po kami sa ganung stage ni Manolo, we're like professionals,” paglilinaw ni Kyline.

Gayunman, inamin niya na unti-unti na rin silang nakapagbabahagi ng mga personal na bagay sa isa't isa sa set.

Ani Kyline, “Well, siyempre po, para magkaroon po kayo ng connections, kailangan mo rin pong mag-share ng personal life, ng personal story. But kapag sa personal relationship, wala talaga po.”

IN PHOTOS: Kilalanin ang star-studded powerhouse cast ng 'Inagaw Na Bituin'

Samantala, agad namang nilinaw ng dalagang aktres na hindi siya umiiwas sa posibleng pagkakaroon ng romantic relationship.

Diin niya, “In serious relationship, no, no, no. I'm still young.”

Sa kabilang banda, inamin niya na mayroon din siyang celebrity crushes, “pero matatanda.”

Ilan sa kaniyang mga nabanggit ang Cain at Abel stars na sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

“Ang guguwapo po nila, ang titikas po nilang mga lalaki. Inspiration ko sila na sana, one day, makahanap din ako ng ganyan,” kinikilig na sabi ni Kyline.

Sa kaniyang mga ka-edad, nabanggit ni Kyline ang mga pangalan ng Studio 7 co-stars niyang sina Mavy Legaspi at Migo Adecer.

Bagamat hindi siya pinagbabawalan ng kaniyang mga magulang na magkaroon ng inspirasyon, tila personal na desisyon ni Kyline ang huwag munang isipin ang tungkol dito.

“I'm just really focused sa Inagaw Na Bituin because this is a really important show for me, yun muna ang focus ko ngayon.

“Kumbaga, I don't want to distract myself. I want to inspire myself para maging eager pa ako sa mga bagay-bagay, but I don't want to distract myself to these things,” pagtatapos ni Kyline.

READ: Kyline Alcantara feels blessed to have three shows on GMA