TV

Tuloy na sa singing contest sina Elsa at Melody | Ep. 18

By Cherry Sun

Sa episode ng Inagaw Na Bituin noong Miyerkules, March 6, nasa unang hakbang na sina Elsa (Kyline Alcantara) at Melody (Melbelline Caluag) para maabot ang kanilang pangarap.

Sa kabila ng pangamba ni Aurora (Angelu de Leon), pinayagan niya sina Elsa at Melody na magpatuloy sa pagsali ng singing contest. Lumuwas sila papuntang Maynila kasama si Socorro (Lynn Ynchausti-Cruz).

Sa pagdating nina Elsa at Melody, muli nilang makikita si Prince (Manolo Pedrosa) at kasama nito si Ariela (Therese Malvar).

Panoorin:

Tutok lang sa Inagaw Na Bituin sa GMA Afternoon Prime.