WATCH: Manilyn Reynes, kumanta ng theme song ng 'Inday Will Always Love You'
Published On: May 21, 2018, 08:34 PM
Updated On: May 22, 2018, 09:14 AM
Ang Inday Will Always Love You star na si Manilyn Reynes mismo ang kumanta ng official theme song ng romantic-comedy Primetime series.
Sa music video, makikita ang mga pagdadaanan ni Happylou (Barbie Forteza) sa kanyang buhay pag-ibig.
Sina Patrick (Derrick Monastero) at Ernest (Juancho Trivino) ang magpapataba sa puso ni Happylou. Pero sino kaya ang karapat-dapat na mahalin ng ating bida?
Abangan ang kwento ni Happylou at ang kanyang adventure sa Cebu simula ngayong gabi sa GMA Telebabad.