TV

Carla Abellana at Kevin Santos, excited na sa mangyayaring virtual reunion ng 'Ismol Family'

By Aedrianne Acar

Ilang araw na lang ang inyong hihintayin at muli ninyong makakasama ang buong pamilya nina Majay at Jingo Ismol sa mangyayaring online reunion ng Kapuso sitcom na Ismol Family!

Yayain ang buong pamilya sa mangyayaring #IsmolGathering this May 24 kung saan papatawanin nila ulit kayo three years mula noong huli silang umere.

Isa sa mga excited sa virtual reunion na ito ay si Carla Abellana, na gumanap na Majay.

"Ang #IsmolFamily may virtual reunion sa Linggo! Tara na at join na kayo sa online gathering namin! Masaya ito, promise. #YouLOL #IsmolGathering"

Napa-post din si Kevin Santos sa #IsmolGathering na mangyayari this weekend.

Mark your calendars and don't miss the grand online reunion na mapapanood sa newest comedy channel na YouLol.

Bukod sa matatawa na kayo sa live chat, ipo-promote din dito ang fundraising activities ng GMA Kapuso Foundation.

Carla Abellana, idinaan sa tawa ang insensitive comment sa kanyang Instagram post