
Bumisita at nakisaya ang The Clash Season 5 grand champion na si John Rex sa It's Showtime kamakailan.
Isang song performance ang hatid ni John Rex sa naturang noontime variety show at naka-duet niya ang Tawag ng Tanghalan Season 7 champion na si Rea Gen Villareal sa stage.
Matapos nito, masayang binati ng Kapuso singer ng “What's up, madlang people” ang mga manonood. Ibinahagi rin ni John Rex na pareho sila ni Rea Gen na taga-Caloocan at magkalapit lamang ang kanilang barangay.
Honored din ang Kapuso singer na muling nakabisita sa It's Showtime. Aniya, “Sobrang honored to be here and I would like to thank GMA Network and Sparkle GMA Artist Center na pinapunta nila ako rito sa Showtime and nakabalik po ako dahil dati akong sumali sa Tawag ng Tanghalan.”
Ayon kay John Rex, sumali siya sa ikalimang season ng naturang singing competition. Bukod dito, mapapakinggan ang new single ni John Rex na "Someday In Your Life," na first-ever single niya matapos manalo ng The Clash Season 5.
Bukod kay John Rex, iba't ibang Kapuso stars na ang bumisita at nakisaya sa It's Showtime gaya nina Jillian Ward, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Glaiza De Castro, Mikee Quintos, Christian Bautista, Michelle Dee, at marami pang iba.
Related gallery: Kapuso stars na bumisita at nakisaya sa It's Showtime
Patuloy na subaybayan ang It's Showtime Lunes hanggang Sabado sa oras na 12 noon sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.