
Isang pangmalakasang performance ang hatid nina Billy Crawford at Sarah Geronimo ngayong Martes, June 11, sa It's Showtime.
Ipinamalas nina Billy at Sarah ang kanilang vocal prowess at dance moves nang i-perform ang music collaboration nilang pinamagatang “My Mind.” Ikinuwento rin ni Billy kung paano nabuo ang kanilang collaboration ni Sarah.
Aniya, “Matagal na kami ni Sarah na gustong magtrabaho together. So, this year just made it really happen for us. Produced by Jin Chan and me. So, sinulat namin 'yung kanta habang wala pa si Sarah. 'Tapos pagbalik niya, ito gusto ko rin. In a few days, 'tapos na 'yung 'My Mind.'”
Labis naman ang saya at honored si Sarah na makatrabaho si Billy dahil sa husay nito bilang artist.
“Si Billy ay gem ng Philippine music industry. It's always a joy and a privilege na mapanood ang ganitong kagaling na artist. We love you so much, Billy as a performer and as a person, at maraming salamat.
“Sobra akong honored. Alam mo nagpapa-cool lang ako sa'yo lagi pero sobra akong nasa-starstruck ako sa'yo everytime,” kuwento niya.
Ayon kay Billy, honored din siyang makatrabaho si Sarah. Saad niya, "Just to work with someone like Ms. Sarah G., it's such an honor, it's such a pleasure. Lahat ito ay orchestrated by God."
Bukod dito, ipinamalas nina Billy at Jhong Hilario ang kanilang dance moves sa kantang “True” at “Take It To The Head” para sa kaibigan nilang si Vhong Navarro.
Matapos ito, nakisaya si Billy kasama ang hosts sa segment na “Karaokids.”
Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
Samantala, tingnan ang ilang career milestones ni Billy rito: