What's on TV

Teddy Corpuz, core memory ang away nila ni Jugs Jugueta?

By Kristine Kang
Published October 24, 2024 7:13 PM PHT
Updated October 25, 2024 9:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Babaeng suwerte sa raffle, umabot na raw sa P1-M ang halaga ng mga napanalunan
Isa ka hinuptanan nga karabaw, nasapwan nga nakabitay sa Ibajay, Aklan | One Western Visayas
Sparkle artists, bibida sa GMA Radio 'Higanteng Pasasalamat' event

Article Inside Page


Showbiz News

Teddy Corpuz and Jugs Jugueta


Teddy Corpuz sa away nila ni Jugs Jugueta: “After ng away na iyon, we became deep friends na talaga.”

Core memories unlocked kasama ang team nina Anne Curtis, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz sa kanilang engrandeng "Magpasikat" performance nitong Huwebes (October 24).

Marami ang naging nostalgic nang binalikan ng grupo ang kanilang hindi malilimutang moments sa fun noontime program na It's Showtime. Ito rin ay nagsilbing tribute nila sa programa dahil sa araw mismo ng kanilang performance ang eksaktong anniversary date ng It's Showtime.

Sa usapang core memories, binalikan din nina Anne, Juggs, at Teddy ang kanilang hindi malilimutang experiences sa buhay.

Dito ibinunyag ni Teddy na isa sa kanyang paboritong core memories ay 'yung away nila ni Jugs.

"Nag-away kami pero after ng away na iyon, we became deep friends na talaga. Feeling ko kailangan siguro ng ganoon (sa aming friendship)," sabi ni Teddy.

Kuwento ng dalawang host, nangyari ang kanilang awayan noong unang season ng programa. Pero dahil dito, mas naging malapit ang dalawang rockstar hosts sa isa't isa.

"Nag-away kami tapos after noon, wala na ano na kami kumbaga all-out kami with each other. So iyon ang pinaka core memory ko," dagdag ni Teddy.

Para naman kay Jugs, hindi niya raw makakalimutan ang kanilang bakasyon sa iba't ibang bansa kasama ang It's Showtime family.

"Ang pinaka-matinding core memory ko 'yung mga out of the country natin. 'Yung unang-una sa great America, tapos nag-Dubai tayo, tapos nag-Canada. Nakakaaliw kasi naka-bonding tayo together," masayang binalikan ni Jugs.

Biro rin niya, "Aside from 'yung pagpukpok sa akin ni Ryan sa ulo."

Nagkuwento rin ng kanilang paboritong memories sina Anne at ang kanilang guest performers na BINI.

"But of course we're so grateful that we continue to create more memories as a (It's) Showtime family. At the end of the day, sabi nga natin kanina (habang) nagpa-pray tayo, 'This is dedicated not only to the madlang people but of course to our whole It's Showtime family. Let's continue to create beautiful core memories together.' Kaya maraming, maraming salamat," kuwento ni Anne.

Samantala, mapapanood sa Biyernes, October 25, ang "Magpasikat" performance ng Team Jhong, Jackie, at Cianne.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

BALIKAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG IT'S SHOWTIME SA GALLERY NA ITO.