GMA Logo Taylor Lautner look alike Cristopher Diwata
PHOTO COURTESY: It's Showtime
What's on TV

Taylor Lautner look-alike na si Cristopher Diwata, nagbabalik sa 'It's Showtime'

By Dianne Mariano
Published May 20, 2025 1:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Dec. 16, 2025) | GMA Integrated News
P20.6M illegal drugs seized in Tagbilaran City, Bohol
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Taylor Lautner look alike Cristopher Diwata


Matatandaan na sumali si Cristopher Diwata sa “Kalokalike” segment ng 'It's Showtime' noong 2013 bilang ang look-alike ng Hollywood actor na si Taylor Lautner.

Muling nagbalik at naghatid ng saya si Cristopher Diwata sa It's Showtime ngayong Martes (May 20).

Matatandaan na si Cristopher ay sumali noong 2013 sa segment na "Kalokalike" ng naturang noontime variety show bilang ang look-alike ng Hollywood actor na si Taylor Lautner, na kilala sa kanyang role bilang Jacob Black sa The Twilight Saga film franchise.

Sa pagbisitang muli ni Cristopher, nakasali siya sa segment na "Kid Sona" kung saan ang kanyang kakampi ay ang host na si Jhong Hilario.

Matapos ipakilala si Cristopher ay muli niyang ginawa ang kanyang viral "What hafen, Vella" monologue.

RELATED GALLERY: Meet Cristopher Diwata, the man behind the 'What haffen, Vella' trend


Bukod sa "Kalokalike," sumali rin si Cristopher sa look-alike contest na "Copyface" ng GTV show na Dapat Alam Mo! noong 2023. Nag-compete siya rito muli bilang Taylor Lautner at inulit ang kanyang viral monologue.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.