Rita Daniela, sumalang bilang searcher sa 'EXpecially for You'

GMA Logo Rita Daniela

Photo Inside Page


Photos

Rita Daniela



Natupad na rin ang hinihintay ng madlang people, ang pagsalang ng Kapuso actress-singer na si Rita Daniela sa patok na segment ng It's Showtime na "EXpecially for You."

Matatandaang inimbitahan noon si Rita ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na bumalik sa noontime show bilang isang searcher.

Naganap ang awaited moment ng Kapuso star nitong Sabado (June 8) kasama ang kaniyang kapatid na si Onin.

Sa kanilang kuwentuhan, ibinahagi ni Rita ang kaniyang mga pinagdaanang pagsubok bilang isang single mom. Para sa kaniya, ito raw ay isa sa mga heartbreaking experience niya, lalo na noong simula ng kaniyang pagbubuntis.

"Hindi ako puwede humingi eh. 'Di ko puwedeng i-demand 'yung there would be someone who would really support me and make me feel that, you know, may mag-aalaga sa akin. 'Yung support from family, of course as in laking respeto ko sa family ko kasi talagang never nila ako pinabayaan. Pinaramdam nila sa akin na hindi ako nag-iisa. Pero siyempre 'di ba, hahanap-hanapin mo 'yon eh. Talagang meron nandiyan para sa iyo," pahayag ni Rita.

Nilinaw ng Kapuso singer na desisyon niya talaga ang maging isang single parent dahil alam niyang mas makakabuti sa kaniyang anak na si Uno.

Aniya, "Na-realize ko na I think mas kawawa 'yung bata kung i-didiretso namin ang relationship na proven and tested na hindi naman talaga magwo-work out."

Pagkatapos ng kanilang madamdaming kuwentuhan, masayang ipinakilala ang mga guwapong searchees na sina DJ Jimmy, Lawrence, at AJ. Maraming online netizens ang kinilig sa mga visual ng contestants, pati na rin ang kanilang mga sagot kay Rita.

Kitang-kita rin ang pagiging loveable mother ng Kapuso actress nang isali niya ang kaniyang anak sa kaniyang mga tanong.

Pagkatapos ng mahabang pagpapasya at sa tulong ni Onin, pinili ni Rita ang searchee number one na si DJ Jimmy.

Naging usap-usapan ng online netizens ang naturang segment at nag-trend pa ang pangalan ni Rita sa X (dating Twitter).

Subaybayan ang It's Showtime Lunes hanggang Sabado sa oras na 12 noon sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

SAMANTALA, KILALANIN SI RITA SA GALLERY SA IBABA


Rita Iringan
Sugarpop
Acting
Rita De Guzman
Asian Treasures
Minor roles
Rita Daniela
Fame
Kontrabida
Asintado
My Special Tatay
Awards
Theater
In The Name Of The Mother
Ang Dalawang Ikaw
Huling Ulan Sa Tag-Araw
Madawag Ang Landas Patungong Pag-Asa
Social media milestone

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ