TV

Nina, nirekomenda ang paglublob sa drum bilang training sa pagiging singer

By Maine Aquino

"Ako 'yung sa drum."

Ito ang ibinahagi ni Nina tungkol sa kanyang ginawang training bilang singer nang mag-guest siya sa Just In.

Ayon sa kuwento ng singer sa host na si Vaness Del Moral, ang purpose ng paglublob sa drum ay para umano mahasa na lumakas ang kanyang boses.

"Kailangan from the bathroom namin, maririnig 'yung boses ko hanggang doon sa entrance namin."

Aniya, dapat obserbahan ng mga tao ang pagkakaiba ng boses kapag nakababad sa tubig.

"Kapag 'yung tubig ay hanggang nasa neck mo, medyo hihina ang boses mo.

"Parang tini-train ka na gamitin 'yung diaphragm mo, para 'yung paghinga mo, para 'yung pagbato ng boses mo is medyo malakas. So 'yun 'yung reason kung bakit kailangan lumublob sa drum."

Pero natatawang paglilinaw ni Nina, ito ay para lamang sa pagpapalakas ng boses.

"Nakakatulong talaga siya, para lumakas ang boses ha. Hindi para magkatono ha! Baka mamaya wala kayo sa tono pero nag-drum!"

Panoorin ang episode na ito sa Just In:

Pepe Herrera, teacher sa isang international school bago naging komedyante