TV

Carlo Muñoz, ikinuwento ang desisyon niya sa pag-iwan sa showbiz

By Maine Aquino

Sa Just In muli nating nakita ang dating aktor na si Carlo Muñoz at ibinahagi niya ang kanyang naging desisyon noon na iwanan ang kanyang career sa showbiz.

Ayon kay Carlo, ang kapatid niyang si Leandro Muñoz ang nagyaya sa kanya na manirahan na sa Amerika. Noong panahon na nagdesisyon silang lumipat, pareho pa silang may career sa showbiz.

Kuwento ni Carlo, "When we talked about this, 'yang move na 'yan, kakamatay lang ng dad namin. We took like a few weeks vacation. We came here to unwind."

Dugtong pa niya, "Habang nandito kami, we met a few producers and talked to us to do some local stuff. Sabi namin, why don't we just give it a shot. Ayun, kaya triny namin.

"I think our first year here nagkaroon pa ako ng musical comedy sa stage. It was a traveling show, so different states, different places in the country. Kaya nag-enjoy ako."

Inamin rin ni Carlo na nami-miss niya pa rin ang pag-arte dito sa Pilipinas. Naibahagi niya rin na noong umuwi siya ng taong 2017, may mga offers sa kanya.

"There were some managers na nagko-contact. I think that time 2017 was the era na a lot of the older actors were coming back. A lot of the managers and I guess the agents were telling me, there's a demand for the young or middle aged father image.

"Ang mga nagsasabi sa akin, they were trying to convince me stay for six months, do a soap opera, do a bunch of movies and then go back na lang."

Pagpapatuloy pa ng dating aktor, hindi naman daw natutuloy ang pag-uusap na ito.

"I think there were some calls but hindi ganon kaseryoso. I don't know... on and off kakausapin ka for a project and then mawawala, and then kakausapin ka ulit and then mawawala."

Nilinaw naman ni Carlo na wala siyang pagsisisi na iniwan niya ang showbiz. Ikinuwento niya pa na sinubukan niya ring pasukin ang Hollywood noong nagsimula silang manirahan sa US.

"No. 'Cause noong umalis ako, I was hoping to do something similar kasi nag-attend rin ako ng klase dito sa Hollywood. I tried it but then I realized it would take a lot."

Na-realize rin ni Carlo ang hirap na makapasok sa Hollywood dahil nakikita niya ang kanyang mga kaklase na tulad niya ay ginagawa rin ang lahat para makapasok sa entertainment industry.

"They were living in their cars. Kasi 'yun 'yung uso dito sa States. If you want to become an actor, come to Hollywood. Most people here are from out of state. Pumupunta sila dito thinking they will be successful. But it's a long road to success."

Panoorin ang kabuuang kuwento ni Carlo sa Just In.

Just In: Paolo Contis meets Carlo Muñoz's family | Episode 5

Just In: Carlo Muñoz, ibinahagi ang kanyang 'Quaranthoughts!' | Episode 5