TV

Nakikita ba ni Carmina Villarroel ang kambal niya kina Miguel Tanfelix at Bianca Umali?

By Gia Allana Soriano

Makakasama nina Carmina Villaroel ang young love team ng Kapuso network na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Dahil meron ding mga anak bagets ang aktres, natanong si Carmina kung nakikita ba niya sina Mavy at Cassy kina Miguel at Bianca.

Aniya, "Medyo. Slight. Nakakatuwa naman 'yung mga bata kasi mabait naman si Miguel at Bianca."

 

 

Dahil din mommy ng kambal si Mina, nagbigay din ng input ang aktres sa pagbubuntis ng kanyang karakter. 

 

 

Ika niya, "Kung baga nung nagbubuntis ako sinabi ko talaga na dapat ganito kalaki 'yung tiyan. Kaya kung makikita mo, ang laki ng tiyan ko, kasi 'yun talaga ang basis ko. 'Yung basis ko sabi ko kailangan malaki 'yung tyan ko kasi dalawa 'yan, eh."

Dagdag pa niya, naalalala pa niya ang mismong pagbubuntis niya sa mga kambal niya dahil ito. "Medyo realistic kasi kahit noon hirap na hirap ako umupo, so parang nag-flashback sa akin 'yung dati, ganyan."