TV

'Kambal, Karibal' star Pauline Mendoza: 'May third eye ako'

By Jansen Ramos

Kasama sa star-studded cast ng Kambal, Karibal ang teen actress na si Pauline Mendoza. Siya ang gaganap sa karakter ni Criselda, ang kakambal ni Crisanta na gagampanan naman ni Bianca Umali.

IN PHOTOS: Kambal, Karibal presscon

Base kay Pauline, nagkasama na sila ni Bianca sa mga VTR noon. Nakatrabaho na rin niya ito at si Miguel Tanfelix sa isang episode ng drama anthology na Maynila sa unang pagkakataon.

Saad niya, “Sa mga commericials kasi may mga pa-audition ganyan, minsan magkasabay kami niyan (Bianca Umali). Talagang magkasundo kami ni Bianca sa ganyan. Before pa lang e, hindi pa ko nag-aartista, commercial pa lang talaga magkasama na kami. Tapos n’ung nag-artista na si Bianca medyo nahuli lang ako ng very very light [sic] kasi nag-aral pa ko. Mas nag-focus ako sa studies. So, nung pumasok ako sa GMA, naging artista na rin ako. Naka-work ko sila ni Miguel sa episode nila sa Maynila. Tapos eto na ‘yung second time na makaka-work ko na sila together.”

Magkakaroon ng SCID o Severe Combined Immunodefiecieny ang karakter ni Pauline sa Kambal, Karibal. Hindi kalaunan ay mamatay rin siya rito, magiging multo at sasanib sa katauhan ng iba.

WATCH: Sakit na SCID, tampok sa 'Kambal, Karibal'

Ibinahagi niya na siya mismo ay nakakakita ng multo dahil bukas ang kanyang third eye.

Kuwento niya, “Oo, may third eye ako! ‘Yung house ng lola ko before super scary talaga tapos parang may isang room do’n, room ng lolo ko, pero patay na ‘yung lolo ko. So, pag-uwi ko galing school, ako lang mag-isa dun sa house kasi binibigyan kaming sariling key. Tapos, nung dumaan ako sa room, may nakaupo na girl sa lazy boy chair. Worst part pa nu’n duguan siya. So, nung nakita ko 'yun, binalikan ko pa, andun pa rin. Mag-isa lang ako dun sa bahay, wala namang ibang tao, so takbo talaga ko sa labas.”

Dagdag pa ng aktres, maski noong bata siya ay may itinuturing siyang “imaginary friend.” Dumating pa sa punto na pinatingin na siya sa isang espesyalista dahil sa kalagayan nito.

“Nung bata kasi ako may nakakausap daw ako sabi ng mommy ko. Pinangalanan ko pa yun na Chelsea. Tapos, pag C-CR ako, maliligo ako, lagi daw ‘yun kasama. Tatawagin ko daw si Chelsea.”

“Parang imaginary friend, parang ano nga, pina-doctor pa nila ko nun kasi baka kala nila nababaliw na ko o something kasi weird ‘di ba?”

Nagbigay naman si Pauline ng payo sa mga taong nakakaranas din ng mga ganitong nakakapangilabot na pangyayari. Pananampalataya at paniniwala sa Diyos ang sagot para maiwasan ang takot at pangamba.

“Huwag na lang isipin na nakakakita sila [ng multo] and magdasal lang. Kasi kung ‘di mo naman paniniwalaan na may something na ganun, 'di naman magpapakita ‘yun 'tsaka dapat may faith and trust ka kay God,” payo niya.

Malapit nang mapanood si Pauline Mendoza sa Kambal, Karibal gabi-gabi sa GMA Telebabad.