TV

Pagbukas ng third eye ni Geraldine sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 112 ng Kambal, Karibal, matapang na pinabuksan ni Geraldine (Carmina Villarroel) ang kanyang third eye upang malinaw niyang makita ang tunay na kaluluwang nagtatago sa loob ng katawan ni Crisan (Bianca Umali).

Ito ay matapos irekomenda ni Dolores (Amalia Rosales), na dati nang nakakita sa kaluluwa ni Crisel (Pauline Mendoza) noong sumanib ito sa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara).

Matuklasan na kaya ni Geraldine ang sikreto ni Crisel at masagip kaya niya si Crisan na hinulog sa balon ni Crisel?

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.