TV

WATCH: Upakan nina Bianca Umali at Kyline Alcantara sa 'Kambal Karibal,' nauuwi sa totohanan?

By Aedrianne Acar

Binigyan linaw ng mga Kapuso teen stars na sina Bianca Umali at Kyline Alcantara nang makapanayam sila ng Chika Minute na walang personalan sa kanilang dalawa sa mga away scenes nila sa high-rating primetime series na Kambal, Karibal.

EXCLUSIVE: Meet the adorable baby of BiGuel

Ayon sa magagaling na aktres, nag-uusap  silang  dalawa bago sumabak sa mabibigat nilang eksena sa Kapuso drama.

Ayon kay Bianca, “No hard feelings po kami dalawa ni Kyline. As much as possible, mas gusto namin na ginagawa po naming totoo than ‘yung mini-memorize po namin kung ano ‘yung kailangan gawin.”

Dagdag naman ni Kyline, “Pinag-uusapan naman po namin dalawa. Mayroon naman pong consent naming dalawa kapag may away scene kami.”

Ayaw rin daw gumamit ni Bianca ng stunt double sa mga eksena na may sampalan sila ng co-star niya, dahil mas gusto raw nilang true to life ang pag-arte.

“Mas gusto po namin makita or maging true to life ‘yung story and ‘yung ginagawa namin, so as much as possible, ‘di po namin ginagamit ‘yung double.”

Tinuturing naman ni Kyline Alcantara na challenge ang mga awayan nila ni Bianca sa Kambal, Karibal at naniniwala siya na mas mararamdaman ng mga Kapuso viewers ang sincerity nang pag-portray nila sa kani-kanilang roles.

Aniya, “Kasi po parang mas mafi-feel po siguro ng mga tao na kami ‘yun, tapos para din po may challenge na rin.”

Video courtesy of GMA News