TV

EXCLUSIVE: Miguel Tanfelix, first time maging kontrabida sa 'Kambal, Karibal'

By Bea Rodriguez

Tila unang beses gumanap bilang kontrabida si Kapuso star Miguel Tanfelix sa kanyang pinagbibidahang top-rating series na Kambal, Karibal.

Sinapian siya ni Black Lady pero patuloy na nilalabanan ng kanyang espiritu ang masamang elemento. Gusto raw pag-awayin nito sina Crisan (Bianca Umali) at Crisel (Kyline Alcantara).

“Yes, talagang pinagaralan ko iyon nang mabuti, and kinausap ko nang kinausap si Black Lady para makita ko ‘yung world galing sa lens ng mga mata niya, kung ano tingin niya sa mga bagay. ‘Yung excited talaga ako, ‘yung sumapi siya sa akin tapos nire-resist ko. Imagine, parang doble-kara siya,” bunyag ng young actor sa ekslusibong panayam ng GMANetwork.com.

Interesado si Miguel na gumanap pa sa ibang offbeat roles, “Iyon din ‘yung gusto ko para hindi paulit-ulit ‘yung ginagawa ko, parang flavors siya, para makita ng mga tao na ibang karakter ‘to. Gusto ko naman na different ‘yung mga characters na portray ko.”

Abangan ang kakaibang role ng Kapuso leading man sa pagtatapos ng Kambal, Karibal.