TV

Pagtatanggol ni Cheska kay Crisan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 138 ng Kambal, Karibal, tila sinaniban ng mabuting kaluluwa si Cheska (Kyline Alcantara) nang maisipan niyang suwayin ang utos ni Black Lady (Roence Santos) at iligtas si Crisan (Bianca Umali) mula sa panganib.

Paliwanag ni Cheska kay Black Lady, ayaw niyang mag-iwan ng hindi magandang impresyon sa kanyang mga magulang kaya naman sinagip niya si Crisan mula sa pambubugbog ni Andre (Yasser Marta).

Tunghayan ang mga eksenang 'yan sa itaas. Kung hindi nag-di-display nang tama ang video sa taas, maaari itong mapanood dito.


Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.

Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.

Kabilang din sa supporting cast ng Kambal, Karibal sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza.