TV

EXCLUSIVE: Kyline Alcantara, na-miss maging mataray dahil sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

"Weird" para kay Kyline Alcantara na mapanood muli ang kanyang sarili sa Kambal, Karibal na ipinapalabas muli bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

"Ang weird na napapanood ko ulit ang sarili ko and weird na nakikita ko ulit 'yung sarili ko na mataray," pahayag ng Kapuso actress sa isang Skype interview ng GMANetwork.com.

Ayon kay Kyline, na-miss niyang maging mataray onscreen lalo na't ang kanyang role bilang spoiled brat sa Kambal, Karibal ang nagpakilala sa kanya bilang "La Nueva Kontrabida."

"Na-miss ko maging mataray kasi, so far, 'yun yung pinakamahirap na character na ginawa ko, kaya na-miss ko din 'yung feeling na 'yon.

"Sobrang nawi-weird-an ako, but ang saya na nakita ko ulit kung saan ako nagsimula, kung saan ako nakilala bilang La Nueva Kontrabida sa GMA."

Ngayong binabalikan ni Kyline ang kanyang mga eksena si Kambal, Karibal, hindi raw niya maiwasang punahin ang kanyang pag-arte bilang si Cheska.

"May time din parang sobrang laki ng mata ko, parang galit na galit ka, chill," sabi niya.

"Parang ginagano'n ko 'yung sarili ko.

"Akala ko no'ng time na 'yun, 'yun 'yung tamang emosyon sa scene na 'yun.

"At least, I'm still learning."

Bahagi pa ni Kyline, pinakana-miss niya sa Kambal, Karibal ay ang magandang samahang nabuo sa pagitan ng cast at crew off-cam.

"Ang sobrang na-miss ko sa Kambal, Karibal is 'yung nangyayari behind the scenes kasi 'yun talaga 'yung special sa akin.

"Sa on-cam naman, hindi naman kami lahat 'yon.

"Pero 'yung nagyayari kasi behind the scenes, 'yung bonding moment ng crew and, of course, the cast, kumbaga, 'yun talaga 'yung kini-keep ko forever," pagtatapos niya.

Subaybayan ang muling pagpapalabas ng Kambal, Karibal Lunes hanggang Biyernes, 8:45 p.m., sa GMA Telebabad.