TV

Ang pagtatagpo nina Allan at Geraldine

By Jansen Ramos

Sa episode 45 ng Kambal, Karibal, nagkitang muli ang dating magkasintahan na sina Allan (Alfred Vargas) at Geraldine (Carmina Villarroel).

Ito ay matapos i-refer ni Crisan (Crisan) ang ice plant na pagmamay-ari ni Allan na mag-supply ng yelo sa pinagtatrabuhang juice bar, na pagmamay-ari naman ni Geraldine.

Parang nakakita ng multo si Geraldine matapos silang magtagpo ng kanyang dating asawa para pumirma ng kontrata.

Manumbalik kaya ang kanilang pagmamahalan o iiral lang ang hinanakit ni Geraldine kay Allan?

Balikan ang mga eksenang 'yan dito:


Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong COVID-19 quarantine period.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.