TV

Muling pagkabuo ng pamilya ni Geraldine sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa Episode 117 ng Kambal, Karibal, nanumbalik ang pagmamahal ni Crisel (Pauline Mendoza) kay Crisan (Bianca Umali) matapos makaramdam ng kunsensya.

Pinatawad na rin ni Geraldine (Carmina Villarroel) ang una sa kabila ng mga nagawa ng dalaga sa kanyang kakambal, alang-alang sa kanilang pamilya.

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.