TV

Tangkang pagpatay ni Crisel kay Lola Anicia sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Alam na ni Lola Anicia (Gloria Romero) na may gumagamit sa katawan ng kanyang apong si Cheska (Kyline Alcantara) kaya binantaan niya ito.

Sa takot ni Crisel (Pauline Mendoza) na mabunyag ang kanyang sikreto, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa.

Aksidenteng naitulak ni Crisel si Lola Anicia sa hagdan na naging dahilan para mawalan ito ng malay.

Makaligtas pa kaya si Lola Anicia?

Balikan ang eksenang 'yan sa episode 49 ng Kambal, Karibal:

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong COVID-19 quarantine period.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.