TV

Paggising ni Lola Anicia sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Tinanggal na ni Geraldine (Carmina Villarroel) si Crisan (Bianca Umali) bilang staff sa kanyang juice bar matapos mapaniwala ni Crisel (Pauline Mendoza), na nagkukunwaring si Cheska (Kyline Alcantara), ang una na pinagtangkaan ni Crisan ang buhay ng kanyang anak.

Akala ni Crisel ay umaayon ang lahat sa kanyang plano ngunit laking gulat niya nang magising si Lola Anicia (Gloria Romero) mula sa pagka-comatose.

Sinisi ni Black Lady (Roence Santos) si Crisel dahil hindi nito tuluyang pinatay ang matanda para hindi mabunyag ang kanilang sikreto.

Balikan ang eksenang 'yan sa episode 53 ng Kambal, Karibal:

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.