TV

Huling alas ni Lola Anicia sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 58 ng Kambal, Karibal, nakipapgtulungan si Lola Anicia (Gloria Romero) kay Crisan (Bianca Umali) para mabunyag na ang sikreto ni Crisel (Pauline Mendoza).

Plano nilang palayasin si Crisel sa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara) sa tulong ng isang pari ngunit, ayon sa huli, mangyayari lamang ito kapag nagbalik-loob siya sa Panginoon at ikinumpisal niya ang kanyang mga kasalanan.

Samantala, napatunayan nina Diego (Miguel Tanfelix) at Makoy (Jeric Gonzales) na may gumagamit sa katawan ni Cheska matapos mahuling taliwas ang kanyang mga pahayag sa kanyang personalidad.

Balikan ang eksenang 'yan dito:

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.