TV

Isinisising krimen kay Crisan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 83 ng Kambal, Karibal, pinalabas ni Raymond (Marvin Agustin) kay Geraldine (Carmina Villarroel) na si Crisan (Bianca Umali), na ngayo'y nasa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara), ang pumatay kay Dr. Emmanuel (Christopher De Leon).

Hindi kinaya ni Crisan ang pangyayari kaya minarapat na lang niyang lumayas sa bahay at humingi ng tulong kina Makoy (Jeric Gonzales) at Nori (Chesca Salcedo).

Paniwalaan kaya nina Makoy at Nori ang kanilang kaibigan, kahit gamit niya ang katawan ni Cheska?

Balikan ang eksenang 'yan:

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.