TV

Pagdududa ni Diego sa katauhan ni Crisan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 96 ng Kambal, Karibal, simula nang magduda ni Diego (Miguel Taneflix) sa katauhan ni Crisan (Bianca Umali) matapos nitong saktan si Nori (Chesca Salcedo).

Naalarma si Diego sa ikinilos ni Crisan dahil matalik nitong kaibigan si Nori at alam niyang hindi kayang awayin ng kanyang nobya ang huli.

Mabisto na kaya ang pagpapanggap ni Crisel (Pauline Mendoza), na nasa katawan ng kanyang kakambal?

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.