TV

Pagdududa ni Darren kay Crisan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 102 ng Kambal, Karibal, simula nang magduda si Darren (Jake Vargas) sa katauhan ni Crisan (Bianca Umali) nang makita ito ni Crisel (Pauline Mendoza) sa birthday party ng binata.

Para hindi mabisto ang kanyang sikreto, tumakbo at umalis muna sa mansyon si Crisan para magtago.

Nagtaka si Darren kung bakit tinawag na Cheska ni Crisel si Crisan kaya tinanong niya kay Aling Celia (Lollie Mara) kung saan nagpunta ang batang kasambahay ngunit pinagtakpan ito ng matanda.

Mabuko na kaya ni Darren ang lihim ni Crisan na kasalukuyang nagtatago sa katawan ni Cheska?

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.