TV

Muling pagkikita nina Crisan at Geraldine sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 113 ng Kambal, Karibal, mapupunan na ni Geraldine (Carmina Vilarroel) ang lahat ng kanyang pagkukulang bilang isang ina ngayong nahagkan na niya ang tunay na Crisan (Bianca Umali), na nasa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara).

Samantala, tinakot naman ni Geraldine si Crisel na dadalhin niya ang huli sa pari para makaalis na sa katawan ni Crisan, ngunit nakatakas ang dalaga.

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.