TV

Ang pagbabalik ng tunay na Cheska sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 121 ng Kambal, Karibal, binigyan ni Black Lady (Roence Santos) ng pagkakataong makabalik ang tunay na Cheska (Kyline Alcantara) sa kanyang katawan para makaganti at iligaw ang kaluluwa ni Crisel (Pauline Mendoza).

Ito ay matapos tumalikod ang huli sa masamang espiritu alang-alang sa kanyang pamilya.

Ngayong nabuhay muli si Cheska, siya naman ang lalasunin ni Black Lady para gumawa ng masama sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang si Crisel.

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.