TV

Pagpasok ng espiritu ng kasamaan kay Crisan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 136 ng Kambal, Karibal, nagkaroon ng pagkakataon si Cheska (Kyline Alcantara) na muling lasunin ang isipan ni Crisan (Bianca Umali) nang maging sentro sila ng eskandalo sa isang mall. Ito ay matapos magtagpo si Cheska at ang mortal niyang kaaway sa eskwelahan na si Madeline (Lianne Valentin).

Inawat ni Crisan ang dalawa ngunit inudyok ni Cheska na gantihan at awayin si Madeline, dahil sa pambubuyo ni Black Lady (Roence Santos).


Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.

Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.

Kabilang din sa supporting cast ng Kambal, Karibal sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza