TV

Pananamantala ni Cheska sa kahinaan ni Crisan sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 137 ng Kambal, Karibal, pinagsamantalahan ni Cheska (Kyline Alcantara) ang kahinaan ni Crisan (Bianca Umali) lalo na't ang plano nila ni Black Lady (Roence Santos) ay ang galitin ang mapagtimpi niyang kapatid.

Pinalabas ni Cheska na sinaktan siya ng kanyang dating nobyong si Andre (Yasser Marta) para magalit si Crisan sa huli.

Ikinatuwa naman ni Black Lady ang pagpapanggap ni Cheska dahil sumusunod ito sa kanyang mga utos.


Alt text: Kyline Alcantara and Yasser Marta in Kambal Karibal

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.

Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.

Kabilang din sa supporting cast ng Kambal, Karibal sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza.