TV

WATCH: Barbie Forteza, Mika Dela Cruz at iba pang cast ng 'Kara Mia,' tumigil sa taping para manood ng pilot episode

By Aaron Brennt Eusebio

Napaluha si Mika Dela Cruz habang pinapanood niya ang pilot episode nang pinagbibidahan nilang serye ni Barbie Forteza, ang Kara Mia.

Barbie Forteza at Jak Roberto

Hindi maitago nina Barbie at Mika ang saya matapos nilang mapanood ang kanilang eksena sa overpass at niyakap nila ang isa't isa.

WATCH: Pilot episode ng 'Kara Mia

"Maraming salamat po. Ang tagal naming inintay 'to, pinaghirapan namin 'to so sana naman matuwa sila, mapanood nila," saad ni Mika.

Nagsimula na ang kuwento ng Kara Mia kung saan ipinapakita kung paano nagsimula ang pag-iibigan nina Arthur (John Estrada) at Aya (Carmina Villarroel).

"Unang linggo po namin, hindi niyo pa po kami makikita ni Mika, susubaybayan niyo muna ang love story ng aming mga magulang," ani Barbie.

Pilot episode ng 'Kara Mia,' trending agad

Kasama rin nina Barbie at Mika na nanood sa pilot screening ang kanilang love interests sa Kara Mia na sina Jak Roberto at Paul Salas.

Alamin ang buong detalye sa report na ito ni Nelson Canlas: