TV

LOOK: Netizens, naka-relate sa May 20 episode ng 'Kara Mia'

By Aaron Brennt Eusebio

Maraming netizens ang naka-relate sa nangyari sa Kara Mia noong Lunes, May 20, kung saan nalaman na ni Boni (Jak Roberto) ang sikreto ng magkapatid na sina Kara (Barbie Forteza) at Mia (Mika Dela Cruz).


Boni knows Kara's secret | Episode 63

Tinanong ni Boni ang pinsan niyang si Chino (Paul Salas) at nagbigay ito ng napakagandang payo.

"Kung mahal mo 'yung tao dapat walang pero, dapat mahalin mo siya nang buong-buo. Every inch, faults, lahat," payo ni Chino.

Naka-relate naman ang netizens at nag-trending pa ang hashtag ng Kara Mia kagabi na #KMSecretIsOut.


Patuloy na abangan ang kakaibang istorya ng Kara Mia, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.