TV

Pagpili ng mga magulang | Episode 82

By Marah Ruiz

Dahil sa sumpa ni Reynara (Aiai delas Alas), iisipin ni Arthur (John Estrada) na kailangan nilang mamili sa pagitan nina Kara (Barbie Forteza) at Mia (Mika dela Cruz).

Ikagagalit naman ito ni Aya (Carmina Villarroel) na umaasa pang may ibang solusyon sa kanilang problema.

Samantala, isang marahas na solusyon ang maiisip ni Asuncion (Alicia Alonzo).

Panoorin ang highlights ng June 14 episode ng Kara Mia:



Patuloy na tutukan ang kakaibang istorya ng Kara Mia, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.