TV

'Karelasyon' presents 'Ganti'

Madalas napapa-away si Krissy (Candy Pangilinan) dahil sa kanyang babaerong asawa na si Joey (Dennis Padilla).

At isa sa mga rason kung bakit napapatingin naman daw sa iba ang kanyang mister ay dahil napabayaan na ni Krissy ang kanyang sarili. Kaya naman sa tulong ng kaibigan niyang si Ninay (Mel Martinez) na may-ari ng isang beauty parlor, muling magpapa-ganda ang nalo-losyang nang nanay. 

Pero imbes na umayos ang relasyon sa kanyang asawa, ang bagong anyo ni Krissy, magdudulot ng isang problema. Dahil ang byudong si Alan (DJ Durano), na mas gwapo at mabait kaysa kay Joey, magkaka-interes sa kanya! Sasama kaya siya kay Alan para maka-ganti sa mga pangangaliwang nagawa ni Joey? 

Ito ang kuwentong sunod na tampok sa Karelasyon! Mula sa panulat ni Jon Verzosa at direksyon ni Michael Christian Cardoz.  Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms. Carla Abellana tuwing Sabado pagkatapos ng Case Solved.