TV

'Karelasyon' presents 'My Family'

Busog sa pagmamahal si Butchoy sa kanyang pamilya ngunit itinuturing niyang malaking problema ang kanyang mga magulang. Ito ay dahil parehong sobrang taba ng kanyang ama at ina at sila ang dahilan kaya madalas siya tuksuhin at asarin ng mga kaklase at kaibigan. Mas bibigat pa ang kanyang pinagdaraanan nang makilala at magka-gusto siya kay Charming, ang kapitbahay nilang maganda at mula naman sa pamilya ng sexy at macho!  Ang resulta – tila ikakahiya ni Butchoy ang kanyang pamilya!

Ano ang gagawin ni Butchoy para matigil ang pangungutya ng ibang tao sa kanyang pamilya? Hindi ba siya magugustuhan ni Charming nang dahil lamang dito? Paano naman ang pagkakaibia ng lifestyle ng kani-kanilang mga magulang? Magiging hadlang din kaya sa kanila?  

Ito ang nakaaaliw at nakakikilig na kuwentong handog ng Karelasyon ngayong Sabado, pagbibidahan ng Kapuso love team na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali kasama sina Isabel Granada, Jordan Herrera, Boobsie, Ricky Rivero at Nikki Co.

 

 

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Carla Abellana tuwing Sabado ng hapon pagkatapos ng Case Solved.