TV

Alice Dixson, kayang may kahati sa minamahal tulad sa 'Legal Wives'

By Marah Ruiz

Naging mas bukas daw ang isipan ng aktres na si Alice Dixson matapos niyang maging bahagi ng upcoming GMA Telebabad series na Legal Wives.

Ang Legal Wives ay kuwento ng isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaki ang tatlong magkakaibang babae dahil sa iba't ibang mabibigat na dahilan.

Sa tingin daw ni Alice, kakayanin niyang magkaroon ng kahati sa kanyang mahal sa buhay tulad ng kanyang role sa serye.

Gaganap siya dito bilang Amirah, ang unang asawa ni Ismael na gagampanan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Siya ang biyuda ng kapatid ni Ismael at pakakasalan siya nito bilang obligasyon sa kanilang pamilya.

Magkakaroon ng dalawa pang asawa si Ismael--si Diane na gagampanan ni Andrea Torres at si Farrah, karakter naman ni Bianca Umali.

"At first, if I was to be asked that, I would say parang malabo [na pumayag na may kahati]. But after thinking about it, I could be open to it if needed. Parang kaya ko naman. You can love somebody in many different ways right?" paliwanag ni Alice sa isang virtual interview.

Kung may mga tamang kundisyon, sa tingin daw niya ay maiintindihan niya at makakayang i-share ang taong mahal niya.

"When you're mature, you can love someone differently. When you're younger it's a different kind of love. When you get older, it's a different kind of love. So maybe if the parameters were right, kaya ko," lahad niya.

Huwag palampasin ang world premiere ng Legal Wives, July 26, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.

May simulcast din ito sa digital channel na Heart of Asia. Para naman sa mga Kapuso abroad, mapapanood din ito via GMA Pinoy TV.

Samantala, silipin ang magandang taping location ng Legal Wives sa gallery na ito: